Init ng Halik
(from the Libretto of Pusong Wagas by Nicolas B. Pichay, music by Cynthia Alexander)
Araw-araw, sa lilim ng sanga
Kay lawak ng gubat sa aking mga mata.
Paggising sa umaga, paligid humihinga
Tumitibok, lumilingkis, namumunga.
Ang buhay na payak, aking ninanais.
Umiiwas sa lahat, di naghahanap ng labis.
Pero sa gabi, gumagapang ang lumbay
Sa buong gubat ako lang ang sablay.
Paroo’t parito ang mga paru-paro
Nanghahalina ang mga bulaklak
Sumisitsit ang mga kuliglig
Ang lupang darang, nangangailangan ng dilig.
Alagang punong-kahoy, sa kamay tumatamis
Makatas ang bunga, walang kahati
Buhay na payak, aking ninanais
Mabasag man lang minsan, sa pagdalaw ng kapangis.
Mag-alaga ng buhay, yan ang turo ni Bathala
Halaman, hayop, kapwa.
Ituro mo ang tanim na may samyo ng lambing
At didiligan ko nang walang mintis.
Alagang punong-kahoy, sa kamay tumatamis
Makatas ang bunga, walang kahati
Buhay na payak, aking ninanais
Mabasag man lang minsan, sa pagdalaw ng kapangis.
Ipakilala mo siya, aking Bathala
Ang kahati ng aking buhay
Ang buwan sa aking araw, ang dilig sa aking darang
Kaputol ng hininga. Tanging pagsinta.
At biglang buhay ko’y lalawak sa dalawa
Ang mga araw mamumunga ng wagas
Kamay sa kamay, labi mo sa labi ko
Init ng halik. Init ng halik.
Warmth of Your Kiss
The forest as far as I can see.
Everyday, under the branches
In the morning, everything breathes
Pulsing, entangling,
A simple life, I crave
Avoiding others, not looking for Excess
But at night, loneliness joins me
In the forest, no one is beside me.
The dry earth needs rain.
The hard trees sweeten to my touch
The fruit plump, no one to share
I hope it shatters,
This simple life I crave
come my other half.
Cynthia sang this during her 19 East send-off. It was a spontaneous request, not included in the original set list. THAT actually made the moment more special -- it was my most favorite portion of that beautiful, beautiful BEAUTIFUL night. (Yes yes yes, I'll upload the videos soon.) Click on this link for Nicolas B. Pichay's own blog entry about Pusong Wagas.
No comments:
Post a Comment